Payag ba kayo lahat ng klase ng motor sa expressway?

Ang motor na below 400cc ay hindi pinapayagan makapasok sa expressway. Sangayon ba kayo kung lahat ng klase ng motor eh mapayagan makapasok sa expressway? Makikita naman natin paano mag drive ang karamihan ng mga riders at akala nila sila lang ang nasa kalye. Madalas sila sa gitna ng linya at pilit na sumisingit sa gitna ng dalawang sasakyan sabay swerve sa harapan para makalipat ng linya. D namin nilalahat ng riders pero iilan lang makikita mo matitino sa daan. Bihira mo sila makita gumamit ng signal light para malaman ang intensyon nila pumasok sa linya. Pag d mo pinagbigyan titigan ka ng masama at meron iba naninipa sa sasakyan o tatapikin ang sidemirror ng sasakyan. Madami rin dyan naka slipper, crocs at hindi authorized na helmet pero d naman sila nahuhuli.

 

 

Ito ang masasabi ng iba nating mga motorista.

  • gagawing racetrack ang expressway ayos yan
  • imagine nin mo nalang na lahat yan sisingitan ka sa toll gate🤔
  • makapagtayo n lang nga punirarya! siguradong patok!!!
  • 200cc above approve sakin kasi safe pa naman yun at di rin masyadong marami
  • Ako nkamotor pero di ako pabor haha marami madidisgrasya, tamang classification nalang siguro
  • Kanya kanyang harabas sa mga lane yan. For sure bilis ng count ng accident related sa motor. Kanina lang kawawa yung van na sinakyan ko nagkwenthan yung 2 motor bigla daw nahawakan yung accelerator basag ang side mirror tapos tumakbo lang.
  • Di naman sa ayaw ko, pero.. sana mahalin nyo buhay nyo, kung ppaayagan walang masama, pero pinahan lang kau ng mga kotse or bus takbong 100, gegewang na kayo, kung ako nga na kotse dala pag pininahan as ng bus sa exp.way takbong 100, wiggle talaga men..
  • 22yrs na ako nagmomotor, pero wag sana payagan below 400cc. lalo dadami aksidente sa motor. daming salbaheng rider ngaun feeling hari ng daan.
  • Sana matuloy na pwd na sila. Bahala na mga bus sa kanila
  • kawawa mababanga ng mga ungas na yan.lagi tama yan mga yan kahit ksalanan nila un nabangga pa din mali..baguhin muna un batas na kapag sila nakabangga sila ang may kasalanan

Nabasa nyo naman meron dito 4 wheel at rider at hindi sila payag magyari ito kasi alam nila ang ugali ng ibang rider dito sa bansa natin. At kawawa ang sasakyan madadamay dahil sa katangahan ng rider. Batas kasi natin dito na kahit kasalanan ng rider basta nasaktan o namatay eh ang 4 wheel ang need magbayad at ang masama makukulong pa na mali naman. Paano kung ang rider naka aksidente ang 4 wheel ang na nasaktan? Sigurado kamot ulo lang yan at sasabihin wala sya pangbayad at naghahanap buhay lang sya.

We say BIG NO sa mga kamote riders sa expressway!!!!

Ads

Ads