Mayor Kit Nieto ng Cainta ok lang walang helmet?

Ako na dismaya nung nakita ko post ni Mayor Kit na hindi naka helmet. Follow ko Major Kit page to be updated sa mga projects at activities ng Cainta. Pero itong pag post ng walang helmet naging usap usapan ng mga taga Cainta. Sa comment thread nito meron mga nag-alala at nagbibilin na maghelmet sya kundi huhulihin sya ng mga TMG at para sa kaligtasan nya.

Kung madayo kayo sa sa Cainta mapapansin nyo halos lahat ng tao hindi naka helmet. Ultimo mga tao ng municipio hindi naka helmet at wala mga dala mga helmet. Kung mag drive pa nga akala mo sila ang hari ng daan wala lang takot kung ma aksidente. Wala na nga helmet mga naka tsinelas lang at madalas sakay pa ang bata ng wala rin helmet. Sa bayan pa naman 2 lanes lang per side at nakaka bwisit pa ginagawa paradahan yung isang lane. So ginagawa ng mga riders akala mo mga ahas labas pasok sa linya wala paki kung meron sila katabi na sasakyan kasi alam nila iiwasan sila kahit ano barumbado sila mag drive.

Sa mga comments sa post ni Mayor Kit meron mga ng remind sa kanya na dapat mag suot sya ng helmet for safety at dapat maging role model sya. Meron isa sinagot ni Mayor Kit na sinasabi na meron sya waiver kung sakali ma injury sya eh hindi liable yung maka bangga. So yung mga hindi ba ng suot ng helmet mga naka waiver ba sila? Lahat ba ng rider ayaw mag suot ng helmet makakakuha ba nitong waiver? Kung sa rider meron waiver para hindi magsuot ng helmet meron ba waiver para hindi pag suot ng seatbelt? Meron pa naman tayo mga riders na kahit kasalanan nila d aamin at mag demand pa yung kabila ang gumastos kasi nasaktan sila.

Nakakahiya sa mga comments meron pa mga ng bash doon sa ng bibigay lang concern sa kay Mayor Kit in wearing ang helmet. Dahilan kasi nasa bayan lang naman eh. Kasi ginagawa ng Mayor namin so ok lang na gayahin namin sya. Wala naman naghuhuli sa bayan ng walang helmet. Ok lang angkas ang bata ng walang helmet. Ok lang naka tsinelas at naka shorts. Nakakaawa yung tao na bash ng iba dahil lang sa pagalala na wala helmet si Mayor Kit at dapat nagsuot ito to be a role model.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

O sige meron waiver at pag na injury dahil walang helmet absolves yung rider ang tanong yung paano namatay at paano yung damages ng kabilang party dahil sa rider na pabaya? Batas kasi natin kahit kasalanan ng rider basta nasaktan o namatay ang 4 wheel ang makukulong, magbabayad at makakasuhan. Like nagyari sa kaibigan ko nagitgit sya ng naka motor mga lasing, tatlo sila, walang helmet at walang rehistro pero dahil nasaktan sila at dinala sa ospital ang kaibigan ko nagbayad ng lahat ng gastos nila. Dahil sa mga rider na pabaya at alam kasi nila sila ang panalo kahit kasalanan nila kasi magbabayad mababayad yung kabila.

Ang isang mali gawain tama ba supportahan pa. Kahit pa mayor yan o presidente bilang citizen hindi masama na paalam ang kanila pagkakamali. Dahil sa pagkakamali na ito eh tutularan sila ng iba at iisipin eh ok lang kasi sya nga ginagawa nya. Kaya wala nagiging asenso dito sa atin dahil sa ganitong paguugali. Gusto natin umayos ang ating community dapat sumunod sa mga batas at gumawa ng tama.

What’s worst nanahimik na dating Vice Mayor Pia sinama pa sa usapan. Wala naman kinalaman ang dating vice mayor sa pagsuot ng helmet. Sobra over the belt ang ibang mga ng comment. Wala kami pinapanigan na official dito pero ang usapan kasi dito ang pagsunod sa batas trapiko at pagsuot ng helmet. Ang isa pa ano kinalaman ng Taytay at sabihan pa bobo. We can see napaka rude ng mga ibang tao na d nila naiisip sila ang kahiya hiya sa mga sinasabi nila.

Ang pagsuot ng helmet dapat sa pagalis pa lang ng bahay at hindi dahilan kahit dyan lang sa kanto at bibili ng suka. Let it be a ordinance sa lahat ng bayan para makasanayan ng rider na maghelmet. D naman patas sa mga 4 wheel nahuhuli pag hindi naka seatbelt pero yung mga rider na walang helmet at naka slippers eh ok lang. Sabi nga nila as government officials comes with great responsibilities to its people. So sana mga iba nating mga officials be a role model para mga tao susunod sa inyo. We enforce rules to follow para meron order ang ating lugar. As for the bashers isip isip rin kasi ang isang mali kahit kaylan hindi pwede maging tama.

We hope that sooner or later Mayor Kit will realize the effects nung pag post nya ng walang helmet. Sigurado mas dadami ang hindi magsusuot ng helmet sa bayan at sasabihin eh yung mayor nga d nagsusuot eh. Sad to say wala nga naghuhuli na kahit nga katapat na ng enforcer yung walang helmet, naka slippers, meron bata hindi nila hinuhuli. Wearing helmet should start sa home pa lang na once naging rider ka automatic dapat yan hindi kung ano ano dahilan. Ganyan rin naman ang wearing ng seatbelt pagsakay mo pa lang dapat automatic na kahit pasahero ka lang wear seatbelts if available.

To Mayor Kit sana po marealize nyo ito at yung akala na ng iba ok lang ng walang helmet kasi ginagawa nyo. Lahat naman tayo nagkakamali at meron tayo panahon para itama ito. Sana next time suot na po tayo ng helmet para d tularan kahit sabihin natin meron waiver at maingat naman kayo mag drive. Tandaan meron tayo mga driver mga barumbado mag drive at ayaw namin mawalan ng Mayor nagbibigay ng pag-asa sa buong bayan ng Cainta.

 

 

 

 

Ads

Ads