Pamaskong Handog Para sa Global Pinoy on Dec. 15

Sa pagsasama ng mga tanyag na bituin sa industriya ng pagtatanghal, inihahandog ng SM at BDO ang pinakamalaki at pinakamasayang pagdiriwang ng kapaskuhan para sa mga Overseas Filipino Workers at pamilya nito sa Pamaskong Handog 2018. Ang selebrasyon, na nasa ika-pitong taon nito, ay gaganapin sa SM Mall of Asia Music Hall sa Dec. 15, 2018.

Pasisinayaan ito ng mga aktor na sina Piolo Pascual at Sam Milby, ang mang-aawit na si Moira Dela Torre; ang love team nina Inigo Pascual at Maris Racal at “Tawag ng Tanghalan Kids” finalist TNT boys.

Gaya ng isang musical variety show, tampok rin ng Pamaskong Handog ang pagtatanghal ng komedyante’t mang-aawit na si Donita Nose, “Tawag ng Tanghalan” finalists na sina Anton Antenorcruz at Jennie Gabriel. Marami pang kasiyahan at tawanan ang maaasahan sa palabas, kung saan magsisilbing hosts ang mga komedyanteng sina MC at Lassie.

Isang buong araw ng aliw at galak ang ibibigay ng Pamaskong Handog na magkakaroon din ng iba’t ibang raffle games, kung saan ang mga mananalo ay tatanggap ng mga
papremyo mula sa BDO, SM at mga affiliate nito gaya ng Taal Vista, SM Cinema, Toy Kingdom, SM Appliance, Sky Ranch, Storyland, at SM by the Bay amusement park. Kasama rin sa mga pa-premyo ang Jollibee gift certificates at produkto mula sa Vice Ganda Cosmetics. Bago pa man ang pagdiriwang, patuloy nang ginaganap ang raffle promo ng BDO kung saan ang mga remittances mula abroad papuntang BDO Kabayan Savings ay may katapat na raffle entry at pagkakataong mapanalunan ang ilan pa sa mga papremyong gaya ng Pangkabuhayan Showcase, libo-libong halaga ng shopping spree mula sa The SM Store, SM Supermarket, o Savemore, at overnight stay sa alin mang SM affiliated hotels gaya ng Park Inn by Radisson Davao, Radission Blu, Pico Sands Hotel, Taal Vista Hotel, Conrad Manila, Park Inn by Radisson Clark at marami pang iba. Para sa higit pang pagkakataon para manalo, patuloy lamang magpadala ng perang halaga sa BDO Kabayan Savings sa pamamagitan ng BDO Remit, at mga remittance partners nito gaya ng WorldRemit, MoneyGram, at Xoom, o anumang BDO Remit partner sa iba pang bansa.
Para sa mas marami pang detalye ukol sa remittance raffle promo, bisitahin lamang ang link
na https://www.bdo.com.ph/pamaskong-handog-2018

“Sa pamamagitan ng Pamaskong Handog, nabibigyan namin ng pagkakataon ang mga OFW na magsaya sa panahon ng kapaskuhan, lalo na’t kasama ang pamilya. Ito ay dahil hindi naman nila nagagawang umuwi taon-taon para sa Pasko. Ang araw na ito ay punong puno ng kasiyahan at tawanan, at nais namin itong maging espesyal para sa kanila,” ani Joaquin San Agustin, SVP para sa Marketing ng SM Supermalls.

“Sa pagdaan ng panahon, ang Pamaskong Handog ay pangakong hatid na aming tinutupad para sa ating mga kababayan, at pasalamatan sila sa kanilang kasipagan at sakripisyo sa pagtatrabaho sa malalayong bansa. Ito ay isang pangunahing pagdiriwang na ginaganap at inaasahan taon-taon, dahil ito ang pagkakataon upang maiparamdam sa mga OFW ang kanilang kahalagahan at karangalang ibinibigay sa Pilipinas. Ito ay isang araw ng pagkilala sa ating mga kababayan. Ang Pamaskong Handog ay bahagi ng mga proyekto ng BDO para sa merkadong nakatuon sa mga OFW – mula sa madaling proseso ng pagbubukas ng BDO Kabayan Savings, sa pangmatagalang benepisyo nito gaya ng free life and accident insurance—hanggang sa regular na paglahok sa mga pagdiriwang ng OFW at tumulong sa
ating mga kababayan at ihatid ang mensaheng kaagapay nila ang BDO saan man sila naroon,” sabi pa ni Genie Gloria, senior vice president at head ng BDO Remittance.

Upang mapanood at makasama sa saya ng pagdiriwang ng Pamaskong Handog, kailangan lang magpakita ng OFW at ng kaniyang benepisyaryo ang BDO Kabayan Savings ATM card o passbook nito o di kaya’y ang SM Global Pinoy card. Maaari rin silang magdala ng isa pang kasama sa pagdiriwang. Para sa mga OFW at benepisyaryo naman na wala pang BDO Kabayan Savings o SM Global Pinoy card, maaari lamang puntahan ang BDO at SM booth sa SM Mall of Asia Music Hall sa December 15, 2018 mula 10:00 ng umaga.

Magtatayo rin ng booth ang BDO sa iba’t ibang SM Supermalls para sa mga interesadong magbukas ng BDO Kabayan Savings. Para sa mga katanungan, maaaring bisitahin ng mga kliyente ang BDO booth sa sumusunod na mga SM Supermalls — SM City San Lazaro, SM City Bacoor, SM City Olongapo, SM City Dasmarinas, SM City Marilao, SM City Clark, SM City Cebu, SM City Bacolod, SM City Davao at SM City Cagayan de Oro (Uptown).

Para sa iba pang detalye ukol sa pagdiriwang ng Pamaskong Handog, bisitahin ang link na https://www.bdo.com.ph/pamaskong-handog-event-details o sundan ang BDO Kabayan Facebook page. Malayo man sa kanilang mga mahal sa buhay, o sa bansa, maaari pa ring mapanood ng mga OFW ang mga kaganapan sa Pamaskong Handog sa BDO Kabayan Facebook page live streaming sa December 15, 2PM (Manila time).

 

#PamaskongHandogNgSMatBDO #PilipinasDaily @PilipinasDaily @BDOKabayan #SMGlobalPinoy
#BuhayOFW @GlobalPinoy

Ads

Ads