Balak ni Thomas Orbos General Manager and OIC MMDA ang Modified Odd-Even Scheme sa EDSA na tatawagin “Window 2”. Meron mga oras lang mula 7am hangang 9pm na hindi makakadaan sa EDSA.
“Every 2 hours ang odd-even ban, which means from 7 a.m. to 9 a.m., odd; 9 a.m. to 11 a.m., even; and then 11 a.m. to 1 p.m. grace period; and then 1 p.m. to 3 p.m. odd, and so forth until 9 p.m.,” ani General Manager Thomas Orbos, ang acting chairman ng MMDA.
Sakop nitong modified Odd-Even ay ang mga private vehicle kasama ang ride-sharing na Uber at Grab. Samantalang ang mga publiko saasakyan ay hindi sakop nitong modified Odd-Even scheme.
Ito ang masasabi ng ating kabayan:
Lintek.. di mo na nga pwede gamiti. Ng 7 am hanggang 8 pm.. tapos dadagdagan pa ng 2 hr eckeck everyday.. e sa lala ng trapik aabutan ka ng window na bago sa edsa.. bwenas nanaman sila.. ang daming huli dyan.. ahahaha
Parang 2 oras lang tayo sa Edsa ano? At paano mo ika-calculate ang byahe mo mula sa kung saan ka manggagaling papuntang Edsa na di ka aabutan ng odd-even scheme sa Edsa? Kapag inabutan ka sa oras na bawal ka, hihinto ka ba sa Edsa at maghihintay ng 2 oras para makabyahe ulit? Hindi ito solusyon sa malalang problema sa trapiko. Nakakagulo lang lalo ito. #mmda bakit naman ganyan ang naisip nyo na sinuportahan naman ng Metro Manila council?
Doesn’t make sense to me. If you get stuck in a traffic jam and your time is up on the road supposedly, what do you do? The bracket hours are too short. God knows we get stuck in bad jams sometimes for longer than 3 hours. I don’t think this was a well thought suggestion, sorry.
How about those PUV drivers that occupy 2 to 3 lanes just to load and unload? They seem to be untouchable… Those are the same drivers that will blame their brakes if something untoward will happen by the way…
What does the authorities have in plan for them? I’m not diverting anything away from private vehicle owners, it’s just that for me it is really not fair…
Ipagbabawal na rin ang mga light trucks sa EDSA tuwing “peak hours,” particular sa Mandaluyong at Pasig. Mahigit 3,000 light trucks umano ang maaalis sa EDSA pagdating ng Abril 4.
Aming reaction:
Kung mapapansin ang mga ODD numbers ay bawal umalis ng 7am-9am araw-araw at kapag uwian mo na d ka rin makakauwi agad dahil bawal ka ng 5-7pm. Hindi naman yata patas ang modified Odd-Even scheme. Lalo lang maguguluhan ang mga motorista dahil sa scheme na ito. Ang madalas ng dudulot ng traffic ang mga PUV makikita mo sila nagbababa kung saan at kaylan nila maisipan. Kapag binusinahan mo o sinabihan mo sila pa meron gana magalit syo. Sa aming suggestion magpatupad ng international grade na retest ang lahat ng driver. Para masala dito ang mga driver nakakuha lang ng lisensya dahil sa fixer.
Masyado na nakaka stress ang ating trapiko tapos dadagdagan pa nitong kung ano ano scheme. Lagi na lang ang private ang iniipit nyo samantalang wala kayo magawa sa pang publiko sasakyan na madalas dahilan ng traffic at aksidente.
#NoWindowHours #MMDA #LTO #PilipinasDaily #PilipinasDailyPH @PilipinasDaily @MMDA