Itong October 18, 2017 ng tanghali 12pm patutupad ng MMDA ang bagong traffic scheme na lahat ng papasaherong jeep ay pinagbabawal magbaba at magsakay sa harapan ng Robinson Metro East. Ito ay naisipan nila paraan para lumuwag ang daan sa dahilan ng construction ng LRT 2 Masinag ext.
Ang mga jeep ay kailangan pumasok sa gilid ng Robinson Metro East Parking zone at doon lang sila pwede magsakay at magbaba ng mga pasahero. Lahat ng lalabag at mahuhili ng mga MMDA traffic enforcers ay bibigyan ng ticket at kailangan magbayad ng Isang daan at Singkwenta pesos (150 pesos). Kaya itong “no stopping zone ay papatupad para magbigay luwag ng daan para sa LRT2 construction.
Aming opinion
Sigurado magdudulot ng trapiko ang papasok sa loob ng Robinson Metro East parking para sa babaan at sakayan nito lalo sa entrada ng mall. At dahil meron mga pasahero gusto makauna at hindi marunong sumunod ang gagawin nila ay maglalakad pa punta sa lugar bago mag Robinson Metro East at doon sasakupin ang daan at doon sasakay. Ganito ang nagyayari sa LRT 2 Santolan station kung saan ang mga pasahero ay halos dalawang linya ng daan ang sinasakop nila kaya dahilan magsikip ang daan para sa mga motorista. Ang mga traffic enforcer naman dito ay madalas pa kaway kaway lang at d naman nakikita nagbibigay ng ticket sa mga PUV kaya wala sila takot magsakay at magbaba kahit saan. HIndi lang pagpubliko sasakyan ang problema kundi ang mga commuters rin ang dahilan ng sanhi ng trapiko sa atin lugar.
#MMDA #LRT2 #Traffic #PilipinasDaily @MMDA @PilipinasDaily