I was browsing my Facebook page today makita ko sa aming car group isang picture na wasak na wasak na sasakyan at isa dito meron sticker ng car club sticker na sinasalihan ko. Nagyari ang aksidente sa Alaminos Laguna itong lingo lang February 25, 2018. Ang balita ang truck nakikita sa picture nawalan ng preno. TInamaan muna ang bus at saka inararo ang mga kotse. Kitang wasak na wasak ang mga kotse na nakikita sobra lakas at bilis ng truck. Makikita rin sa kalumaan ng truck sigurado kulang na ito sa maintenance at dapat siguro hindi na ito ginagamit.
Owner rin po kami ng Lancer at kumpara mo yung sasakyan na yan mas matigas ang body nyan sa mga bagong sasakyan natin. Pero makikita nyo para lang yero ng bubung na madali nagusot at nagka yupi yupi.
- Ang tanong namin ang mga ganitong truck sigurado ba tinitingnan kung road worthy?
- Mga driver ng truck ba dumadaan ba sa special training lalo na mga ganito pangyayari kung ano gagawin nila?
- Ang driver ba dumaan sa tama paraan nung kumuha ng lisenya?
- Ang mga truck na ito bago bumaye tinitimbang sila at para maiwasan ang overloading?
- Madalas mga gulong ng mga ibang truck resurface yung gulong
Ito nakita ko post ng isang kaibigan nung kilala nila nakasakay sa Lancer – Singkit
Dahil sa car accident sa alaminos nadamay pati pamilya ng kaibigan namin kakalungkot man isipin at ang hirap paniwalaan pero may plano si God.RIP Ethel,Tita glessie at sa lola nila.
Mamimiss namin kayo …For Carl and Tito joel sana maging ayos sila agad at gumaling Pray for them
Condolence sa Coronado family
Ilan na aksidente dulot ng mga truck at lagi nila dahilan nawalan ng preno. Bihira natin yan marining sa mga private vehicles dahil ito lagi maintained. Subalit sa mga PUV ang tanong sino ahensya ang umiikot at gumagawa ng suprise check sa mga companya na ito. HIndi maibabalik ang buhay at paano na ang mga pamilya naiwan nito. Kahit ano inggat ng isang sasakyan kung ang ibang driver naman wala sa wisyo ang pagiingat.
At gobyerno sana meron dapat action gawin dito kung kailangan pasara ang mga trucking company para sa kaligtasan ng lahat. Dapat ba matakot na lang kami private sa mga truck na makakasabay ko makakasalubong namin? Ano justice ang aasahan ng mga namatayan at nasaktan against sa driver at ang may ari ng truck. Dito sa amin madami rin mga trailer na ganyan at mabibilis pa nga magpatakbo. Kaya lagi kami takot makatabi ang mga truck at bus na ganito. Kasi ma aksidente ka ganito eh kung d ka patay eh gulay ka na sigurado.
Update:
Yung grupo namin nabenta na pala nya yung sasakyan at itong na aksidente ay yung new owner na ng auto nya.
#TruckAccident #LTO #LTFRB #MMDA #PilipinasDaily @PilipinasDaily