Halina’t bigyang kulay at halaga ang ating wika at kultura gamit ang GrabKalesa!
Ang sasakyang Kalesa ay nagsilbing paraan ng transportasyon noong unang panahon hanggang ngayon. Karamihan sa mga ito ay matatagpuan sa Intramuros Manila na dinadayo kadalasan ng mga turista.
Bisitahin natin ang mga kaibigan nating kutseros, kasama ang kanilang kalesa, kabayo at sombrero. Pinaghalo ang nakaraan at ang kasalukuyan, sakay ka na sa GrabKalesa! Libre lang ito at walang mawawala sa iyo!
MGA KARAGDAGANG IMPORMASYON:
1. Kailan at anong oras gaganapin ang GrabKalesa?
- Ito ay gaganapin sa Agosto 20 – 21, Sabado hanggang Linggo mula 2 – 5 ng hapon.
2. Paano makapagbook ng GrabKalesa?
- Buksan ang Grab app.
- Piliin ang GRABKALESA icon para mag-book.
- I-type ang PLAZA ROMA sainyong Pick-up & Drop-off points
– Paalala: Dapat magkapareho ang pick-up at drop-off locations para pumasok ang inyong booking. - Mag-book sa August 20-21 mula 2-5 PM lamang.
- Ipamahagi ang inyong karanasan sa inyong mga Social Media Accounts at huwag kalimutan gamitin ang #GrabKalesa!
3. Saan magsisimula at magtatapos ang biyaheng GrabKalesa?
- Magmumula at magtatapos ang biyahe mula sa Plaza De Roma, General Luna St, Intramuros, Manila, Metro Manila.
4. Ano ang mga kalyeng madadaanan ng biyaheng GrabKalesa?
- General Luna
- Real
- Sta. Lucia
- Muralla
- A. Soriano Avenue (Aduana)
- Sta. Clara
- Arzobispo
5. Ano ang mga tanawing madadaanan ng biyaheng GrabKalesa?
- Plaza de Roma
- Manila Cathedral
- Palacio Del Gobernador
- Ayuntamiento
- Galeria De Los Presidente
- Baluarte De Dilao
- Baluarte De San Andres
- Baluarte De San Diego
- Puerta Del Parian
- Palacio Del Sana
- Aduana
- Puerta Real
- Reducto De San Pedro
- Bahay Tsinoy
- Plazuela De Sta. Isabel
- Casa Manila
- San Agustin Church
- Light and Sound
- ECJ Building
- Fort Santiago
6. Ilang pasahero ang maisasakay ng isang kalesa?
- Mahigpit na isa hanggang tatlong pasahero lamang ang maaaring sumakay sa isang kalesa.
7. Gaano katagal ang biyaheng GrabKalesa?
- Tatagal ito ng trenta (30) minutos lamang kada biyahe ng isang Kalesa para sa isa hanggang tatlong pasahero.
- 1 Kalesa trip (1-3 pasahero) = 30 minutos
8. Libre ba ang pagbook ng GrabKalesa?
- Opo. Libre ang pagsakay ng Kalesa basta gamit ang Grab application sa pagbook nito.
9. Paano kung umulan sa araw ng Agosto 20-21? Tuloy pa rin ba ang biyaheng GrabKalesa?
- Tuloy na tuloy po ito. Ang mga kalesa ay may mga handang pantakip na plastik upang maiwasang mabasa sa ulan ang mga pasahero.
10. Paano kung ang interesadong pasahero ay walang Internet o Grab app para makapag-book ng GrabKalesa?
- Magkakaroon ng libreng Internet koneksyon sa Plaza De Roma. Lumapit na lamang sa mga empleyado ng Grab upang makuha ang pangalan ngWi-Fi at ang password nito.
*Ano ang mga layunin at hangarin ng proyektong ito?
- Lahat ng bookings ay magsisilbing donasyon para sa mga kutseros at sa kanilang mga alagang kabayo.
- Ito rin ay makapagbibigay ng pagkilala sa kanilang walang humpay na pagkayod sa pangagalesa bilang isang pinagmumulang hanapbuhay nila.
- Makapagbibigay din ito ng pagkilala sa kanilang masaganang kaalaman ukol sa ating kasaysayan at kultura na kanilang ipinamamahagi sa mga pasahero.