Taytay Accident Truck nawalan ng preno sa Taytay Rizal

Truck nawalan ng preno

Isang truck nawalan ng preno Taytay Rizal ang inararo ang tao at sasakyan katabi ng McDo Taytay malapit sa Club Manila East. Mga truck sa area na ito madalas mga kaskasero at akala mo nakikipag habulan. Masasabi namin ito dahil taga dito lang kami at muntikan na rin kami mahagip ng isang truck na mistulang nakikipag gitgitan na akala mo mauubusan ng daan.

Ang daan dito na galing SM Taytay kailangan kumaliwa upang makapunta sa Angono to Tanay at daan papunta Club Manila East at C6. Subalit ang tumbok nito ay ang McDo Taytay at ang mga tiangge sa tabi.

Credits Photos to Catherine Capistrano Zapanta

Makikita sa mga larawan na inararo ng truck ang mga sasakyan nakaparada sa harap ng McDo Taytay. Pati ang mga tiangge nasa tabi nito ay inararo na rin nito at madami sugatan at may namatay.

Hindi po isang babae lang po ang namatay dito kung titingnan nyo po ng maigi itong larawan may lalake naka topless na may itim na slack ang halos nasa likod ng truck. Hindi namin matiyak kung ilang ba talaga ang namatay subalit sa ganito aksidente malabo magyari isa lang ang patay lalo pa ang truck ay mabilis na rumagasa sa kanila.

13412937_1021267184659908_7034997613160205647_n (1)

Dito makikita nyo tinakpan na lang ng lona yung katawan.

13407131_994687863980399_4606150233020450639_n

Masakit makita may mga kababayan tayo nadamay sa isang irresponsableng driver.

Nasa Angono General Hospital:

1.Marivel M. Castro, babae, 25 years old
2.Francisco P. Yaldama, lalaki, 16 years old

Nasa Taytay Emergency Hospital:

3.Joel Maniwan, lalaki, 44 years old
4.Cristina M. Monda, babae, 43 years old
5.Princess Ellaine Mijares, babae, 3 years old
6.Pinky Francisco, babae, 46 years old
7.Josefina Dela Cruz, babae, 25 years old
8.Irish Danag, babae, 5 years old
9.Amboy Batame, lalaki, 17 years old
10.Leo A. Sia, 26 years old
11.Julito Guhiting, lalaki, 47 years old
12.Aime Nepunicero, babae, 27 years old
13.Michael Libera, lalaki, 29 years old
14.Lenie Sugano, babae, 31 years old
15.Rodie Catipay, lalaki, 65 years old
16.Ramil Rearte Roco, lalaki, 40 years old
17.Tirso Tubang, lalaki, 38 years old
18.Angel Majar, babae
19.Isidro Jerusalem, lalaki, 36 years old
20.Ulysis Alao, lalaki, 51 years old
21.Pauline B. Duka, babae, 22 years old
22.Evangeline Ridao, babae, 45 years old

Nasa Manila East Hospital:

23.Fresita Aguinaldo, babae, 51 years old
24.Eloysa Aguinaldo, babae, 33 years old
25.Ayian Piclat Calolod, babae 23 years old
26. Jonathan Arjuzon, lalaki, 42 years old

 

Personal na Opinion:

Hirap kasi dito sa ating mga PUB at truck driver kulang sa training. Dapat naturo sa kanila ang mga ganitong situasyon at ano gagawin nila. Tutuusin kung galing sya ng Ortigas Ext via SM Taytay meron dyan na cemented barrier o tinatawag na Veterans Memorial Park na dapat doon na lang nya binangga yung truck.

taytay

Hinala ng iba sa sobrang bilis nitong truck at bigat ng dala hindi nya nakuha magpreno sa oras kaya tuloy tuloy sya bumulusok. Ilan na accidente ang dahilan ng truck at lagi dahilan nawalan ng preno. Isang dahilan rin dito ang mga driver ng truck ay mistulang walang alam sa totoong pagdrive at nakakuha lang ng lisensya under the table. LTO at LTRFB dahil sa kalokohan nyo at pinayagan nyo magka lisensya mga ganitong tao piligro at nadadamay ang mga inosente.

Isa rin dahilan sigurado kulang sa maintenance ang mga truck dito sa Pinas. Basta kaya umandar at magkalayo pwede na. Kahit pudpud na mga gulong at breakpads pwede pa yan. Dapat managot rin dito ang may-ari ng truck kapag napatunayan isang dahilan ng accidente ay negligence sa pag maintain ng sasakyan.

Presidente Duterte sana ito mabigyan pansin mo rin dahil dito nadadamay mga inosente tao. Kung pwede ko lang mag kumpiska ng lisensya at bigyan ng violation ginawa ko na. Subalit isa lang ako ordinaryong tao at wala katungkulang. Madami po ako nakikita ganitong mga truck pudpud ang mga gulong, kulang ang gulong, hindi nakakabit ang break system ng trailer at atbp. Kaya kapag kami nasa daan at kasabay namin itong mga bus, truck at jeep natatakot kami baka kami madamay kapag kaloko loko ang sasakyan nila o pagkakamali nila.

Sobra na kami nababahala sa kaligtasan sa daan na iisipin mo baka yung sasakyan sa tabi o likod maging dahilan ng aksidente. Hindi na po namin sinama mga ibang larawan ng mga tao patay at na aksidente dahilanan respeto po sa mga namatay. Stop light ang kailanggan dito at hindi rotonda na kaparis ng nasa Kaytikling o kahit ano klaseng daan. Dahil alam ng mga truck wala stop light dinadaan ng mga truck sa laki makipag siksikan. Hindi yata pinagiisipan mabuti ano dapat ilagay para maging epektibo at d maging dahilan ng trapik at aksidente.

Facebook Comments

Ads

Ads