Suggested Title: 20 Taon ng “Para Sa Akin”: Ibinabalik ni Sitti ang Awit sa EntabladoNgayong Mayo 17

Babalik si Sitti sa entablado ngayong Mayo 17, 2026 para sa Sittiscape sa Newport Performing Arts Theatre, kasama sina Mr. Ryan Cayabyab, Gary Valenciano, RJ Jacinto, may choreography ni Dan Cabrera, at iba pang guest artists.

Nang i-record ni Sitti ang “Para Sa Akin” noong 2005, hindi niya inakala na makakasama pa rin ito sa buhay ng mga tao pagkalipas ng 20 taon. Pero hanggang ngayon, buhay na buhay pa rin ang kanta.

Maririnig pa rin sa kasal, sa biyahe, sa mga café — at lalo na sa mga moment na masaya o masakit. Isa siya sa mga kantang hindi mo lang naaalala, kundi talagang binabalikan.

Sa Mayo 17, babalik si Sitti sa entablado sa Newport Performing Arts Theatre para sa Sittiscape: The City of Bossa. Ito ay isang one-night anniversary concert para sa ika-20 taon ng Café Bossa, ang album na nagpakilala ng “Para Sa Akin” sa mas maraming Pilipino.

Ang Buhay ng “Para Sa Akin”

Para sa marami, hindi na talaga nawala ang “Para Sa Akin.”

“Hindi na talaga siya akin,” sabi ni Sitti patungkol sa kanyang hit song. “Para na siya sa lahat ng tumugtog nito sa pinakamahirap o pinakamasayang bahagi ng buhay nila.” At iyon ang nararamdaman ng maraming fans hanggang ngayon.

“Para sa akin, parang ‘para sa atin’ na rin siya,” ani JB Silvano mula Antipolo. “Isa siyang paalala ng self-worth at kung ano talaga ang mahalaga sa’yo.” Para naman sa iba, matagal na itong bahagi ng kanilang kabataan.

“Noong 15 ako, doon nagsimula lahat – sa ‘Para Sa Akin,’” kuwento ni Reng Punzalan ng Tondo. “Hanggang ngayon, dala ko pa rin siya.”

Sa iba’t ibang platform, patuloy pa rin itong nadidiskubre, na ngayo’y papalapit na sa 60 milyong streams sa Spotify – patunay na hindi talaga siya nawala.

Sa Entablado Muli

Dito nagsisimula ang Sittiscape. Hindi ito typical na anniversary concert, mas pinag-isipan siya bilang isang experience na hindi lang tungkol sa kanta, kundi sa naging buhay nito sa loob ng 20 taon.

Kinsonsepto at creative-directed ni Liza Diño, kasama si Ice Seguerra bilang stage director, Bobby Velasco bilang musical director, at Dan Cabrera bilang choreographer, pinagsasama ng show ang iba’t ibang henerasyon ng musikang Pilipino. Makakasama ni Sitti sina Gary Valenciano, RJ Jacinto, Ice Seguerra, Ebe Dancel, Nyoy Volante, Richard Poon, Princess Velasco, Jason Dhakal, at Mr. Ryan Cayabyab.

“Yinakap ni Sitti ang bossa nova at ginawa niya itong bahagi ng everyday life ng mga Pilipino — sa kasal, sa café, sa biyahe pauwi,” sabi ni Diño. “Iyon ang gusto naming balikan sa Sittiscape.”

Si Ice Seguerra ang magdidirek ng show, habang si Bobby Velasco ang bahala sa music. Si Dan Cabrera naman ang magdidisenyo ng galaw ng buong production — isang palabas na hindi lang pinapakinggan, kundi nararamdaman din.

May mga sandali rin sa show na parang kwentuhan lang, kung saan nagbabahagi si Sitti ng mga personal na alaala tungkol sa naging journey ng kanyang musika.

Para kay Sitti, hindi ito tungkol sa bilang ng taon.

“Hindi na talaga siya akin,” sabi niya. “Para na siya sa lahat ng tumugtog nito sa iba’t ibang yugto ng buhay nila.”

Ang Sittiscape ang pagbabalik ng kantang iyon — sa entablado, at sa mga taong patuloy na nagdadala nito.

Kasama Niya sa Entablado

Makakasama ni Sitti sina Gary Valenciano, RJ Jacinto, Ice Seguerra, Ebe Dancel, Nyoy Volante, Richard Poon, Princess Velasco, Jason Dhakal, at Mr. Ryan Cayabyab sa isang gabing magtatampok ng iba’t ibang henerasyon ng musikang Pilipino.

Magkakaroon din ng Para Sa Akin suite — iba’t ibang version ng kanta na magpapakita kung paano ito nagbago sa loob ng dalawang dekada, kabilang ang reinterpretation ni Jason Dhakal.

Sa isang espesyal na bahagi ng show, makakasama rin ni Sitti si Gary Valenciano para sa isang Bossa Nova dance number.

Magtatapos ang gabi sa isang samba finale na choreographed ni Dan Cabrera — kung saan iimbitahan ang audience na makisabay sa rhythm na minahal ng mga Pilipino sa loob ng 20
taon.

Streaming Snapshot

  • “Para Sa Akin” — 59,647,110 Spotify streams
  • Sitti total catalog — 80M+ streams across platforms
  • 829 active playlists / 10.6 million combined playlist reach
  • 139 chart placements / 13,100 Shazams in current period

Sittiscape: The City of Bossa
20 Years of “Para Sa Akin”
A Fire & Ice LIVE production
Concept and creative direction by Liza Diño
Stage direction by Ice Seguerra
Musical direction by Bobby Velasco
Choreography by Dan Cabrera

Featuring Gary Valenciano, RJ Jacinto, Ice Seguerra, Ebe Dancel, Nyoy Volante, Richard Poon,

Princess Velasco, Jason Dhakal, and Mr. Ryan Cayabyab

Sunday, May 17, 2026 • Newport Performing Arts Theatre • Tickets at Ticketworld

Ads

Ads