Santacruzan kahit baha

Good vibes tayo kabayan! Hindi namin maiwasan na bahagi sa inyo itong nakita namin sa social media. Na sigurado kahit sino matutuwa lalo na sa mga dalaga at Ginang na ito.

Ano ba ang Santacruzan?

Santacruzan ay isang traditional pagandahan ng mga dalaga at Ginang sa panahon ng Flores de Mayo. Ito ay dinadaos madalas sa katapusan ng buwan ng Mayo.

The Santacruzan (from the Spanish santa cruz, “holy cross“) is the ritual pageant held on the last day of the Flores de Mayo. It honours the finding of the True Cross by Helena of Constantinople (known as Reyna Elena) and Constantine the Great.

Tuloy ang Santacruzan sa baha!

Ito yung panahon ng mga Sta Cruzan kung saan mga magaganda babae suot ang mga naggagandahan mga gown. Madalas ang sagala ng Sta Cruzan ay ginagawa ito sa gabi para maiwasan ang sobra init ng panahon. Subalit itong pagkakataon ng parada sa Hagonoy ay umuulan dulot ng bagyo Aghon.

Kahit na baha na sa kanila lugar tuloy pa rin ang kanila parada na kahit mabasa na ang mga suot nila gown. Makikita sa mga magaganda binibini na wala sila ka arte arte naglalakad sa baha at naka tawa pa nga. Mukhang ng enjoy pa sila sa ginagawa nila.

Ito po yung video post ni @redge_ptrp sa kanya instagram na makikita mga naggaganda arko at mga magaganda dalagita at ginang. Nagyari ito nung May 26, 2024. Ending na lang kamusta naman kaya pagkatapos ng parada at kamusta na mga gown na suot nila. Sigurado yung iba ay rent lang nila.

Sabi nga basta walang arte arte at tuloy rain or shine. Salamat sa pag share ng video @redge_ptrp.

Mayo 26, 2024 huling Linggo ng Mayo, ipinagdiriwang ang taunang Flores De Maria. Umaga palang, paulan-ulan at ambon na. Nung natapos na ang misa at nakagayak na ang lahat para pumrusisyon, biglang buhos ang napakalakas na ulan. Kaya binaha ang mga kalsadang dadaanan ng prusisyon. Eh dito naman sa Hagonoy, sanay ang mga tao sa baha at high tide. Kaya tuloy pa din ang prusisyon. Salamat Lord at nakatapos ang mga sagala ng ligtas at payapa. Ika nga, the show must go on!

Flores De Maria De Hagonoy 2024 🌷🌸 Hermana: @manansalaflorence ❤️ #FloresDeMayo#StaCruzan (05.26.2024)

Ito po yung link para mapanood nyo yung video ng Santacruzan. Credits to owner

https://www.facebook.com/reel/746936917518572

Ads

Ads