BUDOL BUDOL GIRL NG CAINTA

Share po namin ito at baka meron po nakakilala sa babae ito o naging biktima rin nito.

Scenario:

Kumuha po sya ng pagkarami-raming items, una nya po sigurong sinusubukan na ibudol ay yung babaeng staff namin dahil yun yung una nya nililito, minamadali nya. Dahil baguhan pa po at siguro nataranta na, ipinasa nya po sa isa pa naming staff na lalaki at sya nag bag nalang. Yung lalaking staff po ang naging biktima in the end. Si ateng budol, nagpakuha pa ng 10 yards na linoleum. Siguro way nya na din yun para tumagal pa sya sa store, di pa siguro tapos yung orasyon nya 😒 almost 30mns din sya sa amin.

Ito na po at babayaran na ang mga items na kinuha nya, sabi nya sa cashier may 5000 daw sya pero may barya daw sya sa bahay na worth 5000 din at yun nalang daw ang ibabayad nya. Kung pwede daw ihatid sya dahil madami din yung nakuha nya, tapos duon na din daw nya ibibigay yung mga barya.

Siguro dahil nalito na din, hindi nasabi sa amin ng staff namin na hindi pala binayaran yung items. Pero, humingi pa sya ng cash na 5k para daw sa coins. Which is hindi na dapat kasi nga yung coins bayad nya sa grocery eh. Sinabi ng staff namin wala syang 5k sa kaha, sabi ni ate budol baka sa boss mo meron. Humingi po samin yung staff namin ng 5k para daw sa coins, dahil hindi nya nga nasabi na hindi pa bayad yung grocery, binigay namin yung 5k sa staff namin thinking na palit coins yun.

So nagpasama na nga po sya sa staff namin pero hindi pala sya nagpahatid hanggang bahay nila, pinaghintay nya yung staff namin sa kanto ng blk 21. Tapos naibigay na din pala ng staff namin yung 5k cash. Matagal din po naghintay yung staff namin dun.

Ayun po, nung natauhan staff namin at nakabalik na dito tsaka na po nya nasabi samin buong detalye.

Hindi po kami pumapayag na ilabas ang items ng hindi pa nababayaran. At yung papalit coins, hindi din po kami pumapayag na ilabas ng staff yung pera, lagi po namin sinasabi na dalhin dito sa tindahan dahil bibilangin pa din namin yun dahil minsan kulang minsan sobra at dahil na din sa pag iingat. Pero dahil nga po madami syang kinuha sa amin at akala namin binayaran na nya, hindi namin inisip na mangloloko sya, pinagkatiwala namin sa staff namin yung pera at duon na mismo sa kanila palitan. Kaso dahil nga po under ng budol ni Ate si staff namin, naibigay sa kanya ni staff yung 5k bills. At ayan na nga po ang nangyari.

NAGHAHANAP PA PO YAN KUNG MAY BINEBENTA DAW KAMING TABLE. WALA NA SIGURO MAPAGLAGYAN NG MGA NINAKAW NYA. 😡
————

PLEASE IF KILALA O NAMUMUKHAAN NYO PO SYA PAKI PM PO AKO.

MARAMING SALAMAT!

Facebook Comments

Ads

Ads