Pokemon Go naki join ang MMDA

13902700_1164642173574443_9056652021082085208_n

 

Pokemon Go ay available na dito sa Pilipinas kaya halos lahat ay busy maghuli ng Pokemon, pumunta sa Pokestop at makipag battle sa Pokemon gym. Subalit dito natawa kami at naaliw dahil ang MMDA nakiki join na rin sa kaguluhan nitong Pokemon Go.

Itong post na ito ay makikita sa MMDA facebook page at ito ang kanilang post.

[Admin 03] PAALALA: Alinsunod sa pagkakatalaga ng MMDA Bldg. bilang “Wallflowers Pokemon Gym” kung saan maaaring i-train ang mga Pokรฉmon bago sumalang sa Pokรฉmon battles, mahigpit na pinaalalahanan ng pamunuan ng MMDA ang mga nagbabalak na dumayo sa ahensya na hindi papapasukin ang sinumang naka-tsinelas, shorts, at sando, maging iyong mga papasok sa gusali sa mga alanganing oras. Magdamag na roronda ang aming mga guwardiya upang hulihin ang sinumang lalabag. Salamat po.๐Ÿ˜…๐Ÿ™‰

 

13901583_1165110530194274_2124012599709690818_n
[Admin 03] Sila po ang mga guwardiya namin ngayon. Kailangan niyo silang mapagtagumpayan bago makalapit sa Gym Leader.
Alam natin ang ahensya ng MMDA ay seryoso subalit nung nakita namin ito napatawa kami sa tuwa at nakikipag biro rin pala si MMDA. Ito ang mga comment ng mga ilang natin ka FB sa kanilang post.

  • Ay good luck sa mga magtatangka, may Elite 4 agad ๐Ÿ˜๐Ÿ˜
  • Mmda, kulang nasa pic mo. Isang totodile pa.jahehehehe[Admin 03] Wala po kaming ganun dito eh. Hahaha
  • Si MMDA chairman po ba ang Gym Leader nyo?[Admin 08] Secret
  • Sana po hindi nyo po ko hulihin sa EDSA pag tinalo ko po si chairman[Admin 08] Hindi po namin kayo huhulihin basta po di kayo gagawa ng hindi naaayon sa batas ha!
  • MMDA may sense of humor din pala kayo ๐Ÿ˜
  • Ayos mmda, nakiki join kayo sa pinag kaguluhan na laro ngayon, sana bigyan din paalala n maging maingat sa paglalaro, bawal maglaro habang nag mamaneho, habang naglalakad tumingin sa dinadaanan nyo.. Enjoy the game.[Admin 03] Maglalabas kami ng official tips bukas. ABANGAN. Hehehe [Admin 08] Opo naman po. Mahuhuli po kayo ni Officer Jenny nyan.
  • bawal din po ba yung kolorum na pokemon..? kelangan po ba ng permit yan para maka pag gym battle?[Admin 03] Ito po ang bawal.
  • 13932817_1165103553528305_285970023115147567_n
  • Super tawa po kami magppinsan sa post nyo, ang cool
  • Bawal pala shorts sando at tsinelas. Pwede po ba walang shorts. Walang tsinelas at walang sando. Hehehe.[Admin 08] Hahahahaha!
  • Anong team ang kinuha niyong ng mga taga-MMDA?Valor, Mystic, Instinct?May utos ba si Pangulong Duterte sa inyo kung anung team ang kukunin? Salamat po.

    [Admin 03] Basta po yung team na hate ang drugs. ๐Ÿ˜…

  • Yun lng.. Eh pano kung si kuya guard na naka duty eh pokemon trainer din? Baka di makapag bantay ng husto..Yun lng.. Eh pano kung si kuya guard na naka duty eh pokemon trainer din? Baka di makapag bantay ng husto..
  • Dear MMDA sana ma “Catch em all” nyo din yung mga may balak mang snatch ng Cp namen ![Admin 13] Team Rocket ba kamo? Hindi po natin hahayaan ang kanilang masamang gawain, si pikachu na ang bahala sa kanila.
  • ayus magbasa dito ah active mag reply mga admin! parang ayw ko na lumabas ng kalsada at magabasa nalang ako dito ahahahaha[Admin 08] Baka po dahil maraming Pokรฉmon na pwedeng mahuli sa loob.
  • Marami pa rin po bang nagkalat na pokemon sa quezon avenue? Kasi napadaan kami doon kahapon wala kami nakita? Ang dami ko pa naman pokeball? Pede po pa inform pag mayroon?[Admin 03] Baka po natunugan na dadaan kayo at marami kayong dalang pokeball.
  • Hahahaha lahat ng pupunta ng mmda office bldg. Hindi complain ang pakay kundi gym badge ๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚๐Ÿ˜‚

Aliw at saya ng mga commenters ng FB page ng MMDA tungkol sa PokeMon Go. Ito yata ang una post ng MMDA na nakikipag biro sa mga commenters at naki uso sa craze ng Pokemon Go. Hindi mo iisipin ang taga MMDA ay may alam sa Pokemon at kilala pa nila si Officer Jenny at ang lagi lumilipad na Team Rocket. Ano kaya ang gamit na pokemon ng kanilang Gym leader ito ba ay leaf type, water type, fire, pychic, ghost, ang masama kung legendary. hehehe!!! Sigurado ang gym dito ay madami obstacles bago makarating sa kanila Gym Leader.

Kaya tara na pumunta sa MMDA pokemon gym at maki gym battle talunin ang kanilang Gym leader. Tandaan bawal shorts, slippers at sando. Pwede na rin ang suot na kaparis ni Ash sigurado papasukin kayo. hehehe.. Magdala ng madami pokeballs sigurado makakahuli kayo ng ibang pokemon sa lugar nila wala nga lang si Totodile – hehehe get it!!!

 

source: FB page of MMDA

Facebook Comments

Ads

Ads