Brave PNP Police nab snatcher

Good vibes naman tayo. Kuha sa dashcam video ni Sir Gerald na kita sa rear cam sa Lagusnilad.  Tumatakbo pa abante ang snatcher dahil tinatakasan nya ang pulis na humahabol sa kanya. Makikita yung pulis magisa na pagod sa pagtakbo at pilit na habulin ang snatcher.

Paglipat sa frontcam makikita sumakay ang snatcher sa isang sasakyan at doon nagkunwari pasahero. Buti at meron nakapag turo sa kanya saan ang snatcher para sugurin ito.

Lahat ng mga naka nood nitong video na ito ay sobrang natutuwa sa tyaga ng pulis na ito kahit magisa sya. Meron pa rin mga mabubuting mga pulis dyan at ginagawa nila ang kanilang serbisyo.

Ito mga reaksyon ng iba neitizen nakapanood ng video na ito.

  • Kapag determinado ang pulis kaya. Saludo kami sa iyo mamang pulis, dumami pa lahi mo mula sa hanay ninyo. God bless and long live. Itinaya mo buhay mo sa katulad ng insedente na iyan. Salute!!!!! Gen. Eleazar sir, may pang diamond cop kayo rito ho. Matiyaga at masigasig sir. Godspeed!
  • Dapat bigyan ng tazer gun ang kapulisan para sa mga ganitong sitwasyon para wala ng pambubuno na mangyari baka maagawan pa ng baril ang pulis…kung ginamitan ng tazer yan tumba agad sabay posas…mas magaling kung may sakit sa puso yun suspect para tepok agad wala ng kwento na nang-agaw ng baril kaya napatay!🤣
  • Yan ang dapt i commend at i promote! Nakaka proud
  • Kasalanan ng mga enforcer yan.. dahil sa trapik nahuli tuloy si mamang holdaper
  • Ito dapat ang binibigyan ng Heroic Acknowledgments dahil bibihira ang mga ganitong tapat sa kanilang sinumpaang tungkulin rain or shine naka taya ang buhay! Salute to you Sir!!!

 

Front row seat to an action. One of our brave policeman ran after a snatcher. Most will probably give up the chase specially if they are solo. Kudos to PNP. – Gerald Dumasal

 

Sana magkaroon ng extra training mga pulis natin paano nila handle mga ganito. Sabi nga kahit tazer gun para iwas na meron iba matamaan.

Sana mabigyan ng pansin ang tiyaga ginawa ng pulis na ito para mahuli ang snatcher na ito.

 

Facebook Comments

Ads

Ads