66TH FAMAS AWARDS COMING SOON

Ang 66th FAMAS AWARDS GABI NG PARANGAL na kinikilala ang tagumpay ng Filipino movies na ginawa noong 2017 ay nakatakdang maganap ngayong Hunyo 10, 2018, Linggo sa The Theatre sa Solaire.

Itinatag noong 1952, ang FAMAS AWARDS ay presented ng Philippine Academy of Arts and Sciences ng Pilipinas at matagal nang itinuturing na isa sa mga pinakapopular na tagapagbigay parangal sa industriya ng pelikula sa Pilipinas. Ang lahat ng mga pelikula na ginawa ng Pilipinas na ipinalabas noong 2017 na mayroong at least isang araw na commercial screening ay kwalipikado para sa mga parangal sa taong ito.

Kabilang sa mga kategorya ng parangal ang: Picture, Director, Actress, Actor, Supporting Actress, Supporting Actor, Original Screenplay, Adapted Screenplay, Cinematography, Editing, Production Design, Music, Original Song, Sound at Special Effects. Sa taong ito, magkakaroon din ng mga parangal sa Documentary at short films. Ang publiko ay makakalahok din sa pagpili ng Audience Choice Awards for Picture, Actor at Actress.

Sa unang pagkakataon, ang mga nanalo ng FAMAS AWARDS ay pipiliin ng isang independent jury na binubuo ng mga movie practitioners, academicians at critics headed ng award winning script and literary writer na si Ricky Lee.

Ang mga Nominado ay iaannounce sa Mayo 3, 2018 sa Victorino’s Restaurant sa Quezon City, sa PRESS Launch.

Ang MEGAVISION Integrated Resources Inc. ang producer ng ika-66 FAMAS GABI NG PARANGAL kasama si Donna Sanchez bilang Executive Producer. Para sa mga katanungan magsend lamang ng email sa FAMAS@megavision.com.ph.

Ang Film Development Council of the Philippines ay ang official government partner ng 66th FAMAS AWARDS. Ang FAMAS 2018 ay suportado rin ng Victorino’s Restaurant, MAC Cosmetics, Aloysius Global, The Theatre At Solaire, Gardenia at PAGCOR.

#FAMASAwards #FAMAS #PilipinasDaily @PilipinasDaily

Facebook Comments

Ads

Ads